PNOY, NAGSALITA NA! pagpaPATALSIK kay SERENO, PILIT na PILIT umano! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Tuesday, May 15, 2018

PNOY, NAGSALITA NA! pagpaPATALSIK kay SERENO, PILIT na PILIT umano!





Naniniwala si da­ting Pangulong Benigno­ ‘Noynoy’ Aquino III na ipinilit ng mga mahistrado ng Korte Suprema na patalsikin sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Sa ipinalabas na pahayag ni Aquino, inihalintulad nito ang naging desisyon ng mga mahistrado sa bunga ng mangga na kapag pinilit itong mahinog ay maasim ang lasa nito.



“Marahil marami sa inyo, tulad ko, ang paboritong prutas ay mangga. Kung nais natin ang matamis na mangga, hihintayin nating mahinog ito. Alam din natin, pag pinilit itong mahinog, maasim ang kalalabasan nito,” pahayag ni Aquino.
Photo Courtesy: ABS-CBN

Binigyang-diin din ni Aquino na malinaw na nakasaad sa Saligang Batas na ang impeachable officer ay maaalis lamang sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment.



“Makailang ulit nang nasabi ng Korte Suprema: Kung ang batas ay malinaw na, di na kailangan ng paliwanag pa. Klaro ang nasa Saligang Batas: ang impeachable officer, sa pamamagitan lang ng impeachment maaalis sa puwesto. Sa aking pananaw, kung ano man ang magiging paliwanag ng mayorya, ang makikita lang natin ay isang pilit na pilit na desisyon. Ang tanong ngayon: Gaano kaya ­kaasim ang desisyong pilit nilang isusubo sa atin?” dagdag pa ni ­Aquino.

Si Aquino ang nagluklok kay Sereno bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema noong Agosto 24, 2012 kapalit ni dating Chief Justice Renato Corona na pinatalsik sa puwesto noong Mayo 29, 2012 sa impeachment trial ng Senado.




CBCP, iniREKOMENDA si Atty. LIZADA na PAPALIT sa pwesto ni OMBUDSMAN Conchita Carpio-Morales!


Inirekomenda ng Catholic Bishops’ Confe­rence of the Philippines (CBCP) si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Aileen Lizada na papalit sa puwesto ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kanyang pagreretiro sa Hulyo.

Sa liham na ipinadala sa Korte Suprema, sinabi ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles na karapat-dapat si Lizada sa posisyon ng Ombudsman dahil may dangal at integridad ito
“I am writing in enthusiastic support of Atty. Aileen Lourdes A. Lizada as the next Ombudsman, which position I learned will be vacated by Hon. Conchita Carpio Morales in July 2018,” bahagi ng liham ni Valles.
Ayon kay Valles, personal niyang kilala si Lizada na isang ‘crime buster and anti-graft lawyer’ na ipinakita nito noong panahon na siya ay nasa Office of the Ombudsman for Mindanao.
Nabatid na si Lizada ay may 12 taon nagsilbi sa Ombudsman sa Mindanao.

“I know firsthand that she performs with composure in challenging situations, and remains resolves and steadfast when it comes to doing what is right, legal, and moral,” dagdag pa ni Valles.




1 comment:

  1. Kahit karapatdapat si Lizada, maasim na siya ang i-appoint ni Presidente dahil maasim ang nag-recommend. Bakit nakikialam ang CBCP sa pag-aapoint ng mataas na opisyal ng gobyerno? Nako gusto nilang pumapel ngunit puro interest lang ng CBCP ang nakikita nila at hindi ang interest ng bayan. Sarili kong kuro-kuro lang ito ewan ko sa inyo mga kababayan.

    ReplyDelete