ROBREDO: "Hindi maaaring mananahimik na lamang tayo sa dilim. Kailangan nating isantabi ang ating takot at ipaglaban ang ating hudikatura.” - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Tuesday, May 8, 2018

ROBREDO: "Hindi maaaring mananahimik na lamang tayo sa dilim. Kailangan nating isantabi ang ating takot at ipaglaban ang ating hudikatura.”




Nanawagan sa publiko si Vice President Leni Robredo na kontrahin ang lahat ng nakasampang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ngayo'y on-leave.

Sa kanyang talumpati sa “Free the Courts” forum na isinagawa sa University of the Philippines Diliman kahapon, sinabi ni Robredo na ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno ay hindi lamang laban ng punong mahistrado, ngunit laban ng buong bansa.



“The quo warranto case against Chief Justice Maria Lourdes Sereno, should it succeed, can be the final blow to the ideal of justice we all depend on…. The quo warranto case against the Chief Justice is not just her fight, it is our fight.” 
Aniya, dapat isantabi ang takot at tumulong na ipaglaban ang judicial branch ng pamahalaan.
“Hindi maaaring mananahimik na lamang tayo sa dilim na dulot ng mga pangyayari nitong mga nakaraang buwan. Kailangan nating isantabi ang ating takot at ipaglaban ang ating hudikatura.” 




Paliwanag ni Robredo, itinatag ang hudikatura upang maging proteksyon ng mga nangangailangan at hindi upang makuha ang sariling interes ng nasa posisyon.
Aniya, bilang ikalawang pangulo ng bansa ay nangangako siyang ipaglalaban niya ang Konstitusyon at itama ang mga mali sa abot ng kanyang makakaya.

“As your duly-elected Vice President, I took an oath to defend the Constitution. You can count on me to do everything in my power to right this wrong.”




No comments:

Post a Comment