PULONG KAY TRILLANES: ‘Dakdak. See you in court!’ - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, September 24, 2018

PULONG KAY TRILLANES: ‘Dakdak. See you in court!’




Sen. Antonio Triallanes (LEFT); Paolo Duterte (RIGHT). Photo Via ABS-CBN News
Kamakailan lang nitong Lunes, hinamon ni Paolo Duterte si Sen. Antonio Trillanes IV tungkol sa isyu ng P6.4-billion drug smuggling case na kinasangkutan nito.
“Dakdak na naman. See you in court!” wika ni Paolo sa plano ng Senador na gawin siyang hostile witness sa Senado sa kasong drug smuggling.
Ang pahayag ni Paolo ay kasunod ng statement na inilabas ni Trillanes tungkol sa plano nitong ipatawag ang dating Davao City vice mayor bilang hostile witness sa Senado upang ipakita ang kaniyang dragon tattoo at buksan ang bank account nito.



Samantala, matatandaan noong September 19 na sinampahan ng kasong libel ni Paolo Duterte si Trillanes matapos itong idawit ng Senator sa isang smuggling case na may P6.4 bilyong halaga ng shabu sa Bureau of Customs noong nakalipas na taon.
Mariin namang itinanggi ni Paolo ang mga akusasyon ni Trillanes.



“Evidently, it was intended to malign, destroy and kill my good name and reputation, locally, nationally and internationally. This is especially so as I am the eldest son of our sitting President,” wika ni Paolo.


No comments:

Post a Comment