MAR ROXAS SASABAK MULI SA PULITIKA! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Tuesday, October 16, 2018

MAR ROXAS SASABAK MULI SA PULITIKA!




Nagpahayag na ng pagkandidato si dating Interior Secretary Manuel ‘Mar’ Roxas III na muli itong sasabak sa politika sa darating na 2019 midterm elections.
Sa video post sa ­official Facebook account, sinabi ni Roxas na naibigay niya ang lahat para sa bayan dahil sa ilang taon na paninil­bihan nito sa gobyerno.
“Apart from pride, may dahilan ba na hindi ako mag-extend ng helping hand? Wala. And so here we are. I don’t have any quit in me and I won’t quit on our country,” pahayag ng mister ng mamamahayag na si Korina Sanchez.



Ayon pa kay Roxas, matagal-tagal niyang pinag-isipan at nagsagawa pa ng ‘examination of conscience’ kung tatakbo siya ngayon dahil sa mga babala ng malalapit sa kanya na baka siya ay mapagtulungan lang.



“These past few weeks I’ve had to undergo the most difficult exams ever, examination of conscience and discernment. Walang ibang kausap o kalaban kundi ang sarili,”aniya.
Makakasama ni ­Ro­xas sa senatorial lineup ng Liberal Party (LP) sina Senador Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV, Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, dating Quezon Rep. Lorenzo ‘Erin’ Tañada III, human rights lawyer Jose Manuel ‘Chel’ Diokno, Marawi-based doctor Samira Gutoc-Tomawis, election lawyer Romulo Macalintal at dating Solicitor General Florin Hilbay.



No comments:

Post a Comment