Mga BINILING TREN ng AQUINO ADMIN, PINAKEALAMAN ni GRACE POE kaya't NAANTALA - ani Lacierda - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, October 31, 2018

Mga BINILING TREN ng AQUINO ADMIN, PINAKEALAMAN ni GRACE POE kaya't NAANTALA - ani Lacierda







Matagal na sanang napakinabangan ng mga mananakay ang mga bagon na binili ng nakaraang administrasyon sa China kung hindi lang ito pinolitika ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at ni Senador Grace Poe.



Ito ang sinabi ni dating Presidential Spokesperson na si Edwin Lacierda matapos mabalitaan na pumasada na noong Sabado ang unang set ng mga bagon na binili sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Company of China.

Umabot sa 48 Dalian train ang binili ng administrasyong Aquino sa halagang P3.7 bilyon at nai-deliver itong lahat pagsapit ng 2017.



Subalit dahil sa pahayag ng mga opisyal ng DOTr na palpak ang mga biniling tren sa China, hindi ito mapakinabangan kung kaya’t inimbestigahan ito ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Grace Poe.

 “Dalian trains should have been running two years ago. (Secretary Arthur) Tugade & DOTr even filed a case. But an Audit report found nothing wrong,” tweet ni Lacierda.



“Senator Poe insisted they were overweight even if a foreign expert said they weren’t. Trains were good to go but politics reared its ugly head,” dagdag pa niya.





No comments:

Post a Comment