Vice Ganda, GINAWANG KATATAWANAN si SEN. LEILA DE LIMA! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Friday, October 26, 2018

Vice Ganda, GINAWANG KATATAWANAN si SEN. LEILA DE LIMA!






Inulan ng batikos mula sa mga bashers si Vice Ganda dahil sa naging komento nito tungkol sa naka­kulong na si Sen. Leila de Lima at maging kay Sen. Antonio Trillanes IV na may kinakaharap na isyu ng amnesty.



Sa ‘Magpasikat 2018’ segment sa A­nniBEKSary special ng “It’s Showtime”, tampok ang mga male host bilang mga beauty candidate.

Sa ‘Miss Q&A’ portion nito, hiningan ni Vice si Alakdawn Zulueta na ginagampanan ni Jhong Hilario na i-­describe ang kapwa contestant na si Juggy Sta. Maria played by Jugs Jugueta, sabay komento nito ang pagkakahawig sa nakakulong na si Sen. De Lima.



Dagdag pa na komento ni Vice kay Jugs na: “Ang taray ni No. 1 o, bloated si Leila de Lima o. Mukhang nahiyang si Leila sa loob. May message ka ba kay Trillanes?”

Na sinagot naman ni Jugs na, “Hoy, ina­antay ka namin dito.”
Dahil dito, maraming pang-aalipusta at akusasyon ang ipinukol at natanggap ng TV host sa galit na mga netizen, na kesyo walang galang ito at hindi tamang gawing katatawanan ang sitwasyon ng mga senador.



Narito ang mga komento ng galit na galit na netizens:
@Coleen_FS: What happened to you? Bakit ka nagpa-brainwash sa lowly trolls ni Duterte at kay Duterte mismo? It is bad enough that De Lima, a human rights defender, is in jail for no reason. It is worse that you have to make fun of her current situation. SHAME ON YOU & celebs like you!
@iamcristyahmad: Making fun of Sen. de Lima is not fun at all. It’s a reflection of the person making it.@SenLeiladeLima @vicegandako.



@skullohmania: I just find it funny that after @itsShowtimeNa’s hosts performed acts that tackle societal issues inlcluding “bullying,” here is the ever arrogant @vicegandako making fun of the situation of senators de Lima and Trillanes. That “magpasikat” portion and the show scream hypocrisy.
@ogie_rosa: Dear Vice Ganda, Lagi mong ginagawang katatawanan sila De Lima at Trillanes. Kung makulong ba si Trillanes, mawawala ba ang inflation? Mauubos ba ang shabu? And most importantly… MAGKAKAROON BA NG KUWENTA ANG MGA PELIKULA MO?

@Ayvonne91: Sobra ka na minsan Vice. Ang pagbanggit mo kay Sen. de Lima kanina wala ka ng respeto. Siguro oras na para hinde ba kita panoorin. Hinde ka na nakakatuwa. Alalahanin mo sana walang kasalanan si Sen Leila. At ai Trillanes? Sana tigilan mo na sila.




1 comment: